I want...

Monday, June 29, 2009

Photobucket

NOW.

As seen on JLU's plurk and here.

Havaianas Filipinas.

Tuesday, June 23, 2009



From Samie.

Two days late.

Sunday, June 14, 2009

Wala pala akong blog entry noong June 12, hindi ko man lang na-express ang aking pagiging pinoy.

At dahil d'yan, meron akong pahabol blog entry...

Photobucket
T.M.I. indeed.

---

Nakita ko ito sa uhm, sino nga ba nagpakita sa akin nito? Ikaw? Oo salamat. Haha. Seryoso, hindi ko matandaan kung sino nagpakita nito sa akin.

---

Walang pakialamanan kung sa blogger ko ito ire-reblog at hindi sa tumblr. Kk.

Oh, and speaking of tumblr (oha, segue), meron kasing tumblr theme for the week, look.
This made me LOL.

http://marianojuancho.tumblr.com/

Guess what?

Wednesday, June 10, 2009

...may tumblr na ako.

Para sa pagiging tambay ko ulit.
Para sa peer pressure.
Para sa... wala lang.



Photobucket

White noise.

Saturday, May 9, 2009

Photobucket

Sneyl meyl. [Part 3]

Monday, April 20, 2009

Ah eh nasa Multiply na nga pala 'yung third part ng snail mail series.
Medyo matagal na. Mga three days ago? Oh ayun.



Photobucket
Pindutin ang larawan para sa mas marami pang larawan. Errr.

Sup?

Friday, April 17, 2009

Paguwi ko ng bahay kagabi at around 9pm...

Kenneth
: Oy! Sup bitch?
Me: Sup brother!
Kenneth: Ayyy. Bakit boses bading ka?
Me: ...



---

Check this out!

Tagtagtag.

Thursday, April 9, 2009

Instructions:

(a) Write who tagged you.
(b) Answer the following questions:

(b1) Your name/username/pseudo.
(b2) Right-handed or left-handed?
(b3) Your favorite letters to write.
(b4) You least favorite letters to write.
(b5) Write: The quick brown fox jumps over the lazy dog.

(c) Tag five other people.
Photobucket

Doc Ced, pwede na 'yan ha. Huwag ka nang maarte d'yan. Maraming salamat sa pag-tag sa akin, binigyan mo ng laman ang blog ko. Hahaha. Wala kasi akong maisip ikwento. Oha oha, first time na wala akong maisip ikwento.

Ahihihi.

---

Salamat at may Holy Week. Limang araw akong makakapaginternet.
Ah, good times, good times.

Contrary to popular belief...

Friday, March 27, 2009

buhay pa ako. Ok? Ok.

So feeling niyo naman dahil matagal na akong nawala eh mahaba na ang kwento ko? Pwes! Tama kayo! Tamang tama.

Maarte ako. Alam niyo na 'yun? Mabuti naman. Katulad na lang na meron namang computer shop pagkababang-pagkababa ng dorm ko eh hindi pa din ako pumupunta doon para lang maginternet. Kapag nasa bahay lang ako online. Hahaha. Ayoko sa internet cafes, ang daming JJs.

Unti-unti nang nagiging paulit-ulit ang buhay ko. Alam mo 'yung ganung feeling? Bagong araw pero 'yun pa din ginagawa mo, like crazy.

Apat kaming magkakasama sa dorm - ako, si Ariane, si Nikki, at si Nella. Wala naman, na-share ko lang, hahaha. Syempre kasama sa kwento kaya kelangan kilala niyo sila, diba?

Gigising ako ng 6am, maliligo. After kong maligo, gigisingin ko si Nikki, then maliligo siya, magbibihis ako. After maligo ni Nikki, gigisingin niya si Nella, maliligo si Nella, magbibihis si Nikki. After maligo ni Nella, magbibihis siya tapos handa na ang breakfast. Ano ang breakfast? Sos! Eh di kapnudels or yakisoba. Puchang 'yan. Kung inipon siguro namin 'yung mga cups na napagkainan namin makagagawa na kami nung mga lantern na gawa sa basura. Makagagawa kami ng ganun. Malaking-malaki at bonggang bongga, I tell you.

Oh, so aalis kami ng dorm at bago mag-8am tapos maglalakad kami. Tatawid ng kalye. Pagtawid ng kalye, may Ministop. Bibili ng kape at papasok. 8am sakto simula ang class. Pagdating ng 10am, mayroong 15 minute break. Pagdating ng 12nn may 1 hour break. Pagdating ng 3pm may 15 minute break. Then 5pm natatapos ang class ko. Uuwi, magdidinner. Maliligo, magsasagot ng take-home exams. Matutulog at around 2am (latest na tulog ko na 'yan) tapos ganun ulit.

Kaya nga kahit isang araw lang ang off ko naisipan kong umuwi. Bakit? Kasi namimis ko na si Mely at ang kapatid ko? Well, oo pero ang reason talaga eh wala lang para maiba lang. Para hindi maging katulad nung araw ko kahapon ang araw ko ngayon. Tsaka kapag nasa bahay ako nakakapaginternet ako ng maayos. Hahaha. Tsaka kapag umuuwi naman ako eh wala ding tao sa bahay. Parang umuwi lang ako para makapaginternet. Haha.

Tapos ang pangit ng schedule ko pramis. Nung first week kasi Saturday at Sunday ang off ko then nagkataon pa na wala akong pasok ng Friday. So three days akong free. Tapos ngayong sumunod na week, may class ako ng Monday to Saturday pero off ako ng Wednesday at ngayon nga, Friday. Oh diba. Hindi man lang pinagdikit 'yung dalawang araw. Tsk. Hindi naman regular ang off pero pucha 'yung sa schedule ganun halos lahat eh, hindi magkakadikit ang off.

Andaldal ko na naman pala. Oh sori na ha?

---

Dapat sana magpopost lang ako ng picture dito parang ganito...

Photobucket
Napunding Alitaptap, ako, Kirk.
'Yung isa eh huwag na natin pangalanan. Hahaha.



Kaya lang sori naman napadaldal na ako.

---

Gusto ko lang sabihin na totoo ang chismis na mabango si Kirk, hahaha. At sori, alam kong hindi naman ako ang dahilan kung bakit nawala ang wallet mo pero ang lungkot kasi, perstaym natin nagkita eh nawala pa. Tapos nung kumain tayo sa may Intra eh nawala naman ang ID mo, sori. Mura lang naman 'yan. P400 lang, ano? Uhm, ok. Hahaha.

---

Simula ngayon sisikapin kong mag-update every weekend para hindi ako natatambakan ng kwento. Nahihiya nako sa kadaldalan ko, pramis.

Hanggang sa muli, paalam! *in a Kuya Bodjie tone*





On a high... at us.

Friday, March 6, 2009

Dear blog,

Maiwan muna kita sandali ah. D'yan ka lang. Doon muna ako. Pramis mamimis kita. Isa pang mamimis ko? Si Sushi. Okay lang naman na hindi tumaas ang level niya sa Pet Society, kaya lang, walang mag-aalaga sa kanya. Nakakahiya naman kasi kapag may ibang pets na bumisita sa bahay niya tapos iha-hug siya tapos nilalangaw na siya kasi hindi siya nakakaligo. Nakakahiya, ang landi landi tapos mabaho. Tsk.

Tingnan niyo oh, ang cute niya, may ribbon sa ulo tapos 'yung damit niya? Brown paper bag 'yan! Parang kagagaling lang sa grocery. Fashion! Hahaha. Ang cute niya ano? Nasabi ko na pala 'yun.

Photobucket

Sa Fashion Wars ok lang pabayaan kasi may binili akong properties doon, isang Miami Beach House at isang Italian Villa. Kumikita sila ng $67,000 every 60 minutes kaya ang yaman ko na doon, pero forever level 10 na lang yata ako. Tapos andaming naghahamon na hindi ko kilala, makikita ko na lang sa notification na nabawasan ang pera ko. Bitches! Sana pwede na lang ilipat kay Sushi ang pera sa Fashion Wars. Ampangit ng bahay niya eh. Sadness. Poorness.

Isa pa, 'yung Plurk ko? Mataas na karma ko dun eh. Third month pa lang niya ngayon pero 67.60 na ang karma. Oo, araw-araw ka ba namang online eh, ewan ko na lang. Makapag-aral kung paano gumawa ng bot sa Plurk. Magpopost ng nonsense syempre magrereply pa din ang contacts ko. Hahahaha. Sabagay wala namang sense talaga mga pinopost ko doon eh, walang pinagkaiba. Hahaha. Teka may phPlurk nga pala. Paano ba 'yun?

Photobucket

Ang dami kong online accounts no? Facebook at Plurk pa lang 'yan. Ahm.

Oh eh 'yun ngaaa. Mawawala ako. Paano na si Sushi at ang karma? Haha. 'Yun talaga inalala ko. Hahaha. What a loser.

Ito na ang sagot sa mga laging nagtatanong na: bakit ka ba laging online? O kaya naman sa nagsasabing sos, ikaw na naman. Ayan na, ayan na. Yiheee, painom kayo hindi na ako online araw-araw.

[offtopic] Gusto ko lang i-share na ayoko ng spammers. CLICK. [/offtopic]

Alam ko naman hindi niyo ako mamimis, pero si Mely mamimis niyo...

Kagabi kasi pumunta dito sa bahay 'yung anak kong si Charm (oo may anak na ako, yeah yeah), nagdala ng food. Tapos tinanong niya ang mommy ko:
Charm: Tita, binigyan po ba kayo ni tito ng flowers nung Valentine's?
Ermats: Oo naman, may chocolates pa.
Charm: Wow, ang sweet.
Me: Ang landi, parang dalaga.
Ermats: Lokaloka.
Tapos kanina, oo kanina lang talaga...
Me: Ano bang meron sa boypren mo?
Ermats: Nilalagnat 'yan kagabi pa.
Me: Sos, namimis ka lang n'yan, alagaan mo daw siya.
Ermats: Ahahaha, baliw.
Me: Yiheee, kinilig!
Ermats: Lokaloka!
Ang sweet ni Mely. Parang hindi nanay. Hmmm.

---

Alam mo bang kaya kong dumaldal ng dumaldal tungkol sa kahit ano? Oo, ang dami ko na nga nasabi oh. Pwede na akong hindi mag-update ng isa, dalawa, o tatlong buwan.

Kthxbye.

 
Contents by MERYL ANN DULCE. Layout by Templates para novo blogger. Powered by Blogger.