Contrary to popular belief...
buhay pa ako. Ok? Ok. ![]()
So feeling niyo naman dahil matagal na akong nawala eh mahaba na ang kwento ko? Pwes! Tama kayo! Tamang tama.
Maarte ako. Alam niyo na 'yun? Mabuti naman. Katulad na lang na meron namang computer shop pagkababang-pagkababa ng dorm ko eh hindi pa din ako pumupunta doon para lang maginternet. Kapag nasa bahay lang ako online. Hahaha. Ayoko sa internet cafes, ang daming JJs.
Unti-unti nang nagiging paulit-ulit ang buhay ko. Alam mo 'yung ganung feeling? Bagong araw pero 'yun pa din ginagawa mo, like crazy.
Apat kaming magkakasama sa dorm - ako, si Ariane, si Nikki, at si Nella. Wala naman, na-share ko lang, hahaha. Syempre kasama sa kwento kaya kelangan kilala niyo sila, diba?
Gigising ako ng 6am, maliligo. After kong maligo, gigisingin ko si Nikki, then maliligo siya, magbibihis ako. After maligo ni Nikki, gigisingin niya si Nella, maliligo si Nella, magbibihis si Nikki. After maligo ni Nella, magbibihis siya tapos handa na ang breakfast. Ano ang breakfast? Sos! Eh di kapnudels or yakisoba. Puchang 'yan. Kung inipon siguro namin 'yung mga cups na napagkainan namin makagagawa na kami nung mga lantern na gawa sa basura. Makagagawa kami ng ganun. Malaking-malaki at bonggang bongga, I tell you.
Oh, so aalis kami ng dorm at bago mag-8am tapos maglalakad kami. Tatawid ng kalye. Pagtawid ng kalye, may Ministop. Bibili ng kape at papasok. 8am sakto simula ang class. Pagdating ng 10am, mayroong 15 minute break. Pagdating ng 12nn may 1 hour break. Pagdating ng 3pm may 15 minute break. Then 5pm natatapos ang class ko. Uuwi, magdidinner. Maliligo, magsasagot ng take-home exams. Matutulog at around 2am (latest na tulog ko na 'yan) tapos ganun ulit.
Kaya nga kahit isang araw lang ang off ko naisipan kong umuwi. Bakit? Kasi namimis ko na si Mely at ang kapatid ko? Well, oo pero ang reason talaga eh wala lang para maiba lang. Para hindi maging katulad nung araw ko kahapon ang araw ko ngayon. Tsaka kapag nasa bahay ako nakakapaginternet ako ng maayos. Hahaha. Tsaka kapag umuuwi naman ako eh wala ding tao sa bahay. Parang umuwi lang ako para makapaginternet. Haha.
Tapos ang pangit ng schedule ko pramis. Nung first week kasi Saturday at Sunday ang off ko then nagkataon pa na wala akong pasok ng Friday. So three days akong free. Tapos ngayong sumunod na week, may class ako ng Monday to Saturday pero off ako ng Wednesday at ngayon nga, Friday. Oh diba. Hindi man lang pinagdikit 'yung dalawang araw. Tsk. Hindi naman regular ang off pero pucha 'yung sa schedule ganun halos lahat eh, hindi magkakadikit ang off.
Andaldal ko na naman pala. Oh sori na ha?
---
Dapat sana magpopost lang ako ng picture dito parang ganito...
Kaya lang sori naman napadaldal na ako.
---
Gusto ko lang sabihin na totoo ang chismis na mabango si Kirk, hahaha. At sori, alam kong hindi naman ako ang dahilan kung bakit nawala ang wallet mo pero ang lungkot kasi, perstaym natin nagkita eh nawala pa. Tapos nung kumain tayo sa may Intra eh nawala naman ang ID mo, sori. Mura lang naman 'yan. P400 lang, ano? Uhm, ok. Hahaha.
---
Simula ngayon sisikapin kong mag-update every weekend para hindi ako natatambakan ng kwento. Nahihiya nako sa kadaldalan ko, pramis.
Hanggang sa muli, paalam! *in a Kuya Bodjie tone*
- Aethen
- Alex (Non-gad)
- ANIMOISM
- Anna
- Ayiene
- Ayz
- Badoodles
- Bins the Beyker
- Bloodytom
- Bong the Third
- Bulitas
- Chie
- Damdam
- Doc Ced
- Doc Mnel
- Doc Ome
- Duroy
- Em
- FB
- Gasoline Dude
- Gillboard
- Glentot
- Greenpinoy
- Henry
- JohnLloy Radio Show
- Jon Cabron
- Juanes
- Kevin
- Kookoo
- Lethal Verses
- Leyn
- Lykes
- Lyzius
- Maldito
- Mameee UM
- Mariano
- Mia
- Miss Tisay
- Mr_D
- Myk
- Ninong
- Nutty
- Pauee
- Peeveee
- Pey
- Plue
- Popoy
- Ran
- Rem
- Rens
- Roachy
- Roan
- Samie
- Saminella
- Sir Ayel
- Tannix
- Tingol Magalona
I'm sure you wouldn't wanna know me.
- Meryl
- Christian. Loves coffee. Camera whore. Loves the color blue and black. Music lover. Has mastered the art of being a bum. Likes gazing up at the sky. Thinks she has amnesia. Filipino citizen. Has a non-professional driver's license. Her friends says she's OC. Frustrated interior designer. Rehabilitated mental patient. Stalker. Also known as Meng, Bakla, Tarush, Pare, Aiyin, Arlene, Muy, Tae, Pseudogerl, and lots more related to gay-ness. Wuh. Oh, was that tooooo much? :|
Or visit my other sites.
License.

Leave now. by Meryl Ann Dulce is licensed under a Creative Commons Attribution-No Derivative Works 3.0 Philippines License.


10 comments:
masyado kang madaldal bitch. at siguro eh jinx ka meryl. nawala yung mga gamit ni kirk. hahaha. joke.
ang dami mong sinabi, dapat nagpost ka na lang ng picture hahahaha!!!!
see you soon polar bear!!!
xoxo
POpoy
Mas mabango ako ke Kirk. Hahaha.
Husayan mo ang pag-aaral. At salamat pala ulit sa picture greeting. Woot! = P
ano ba yung JJs? lols
napakaswerte mo nakita mo si kirk. sana ako din. hehehe
sus ito nman kung magsalita kala mu nman ngaaral talaga..hoy! itigil mu n yang pagpapanggap mu! =))=))=))
pssst!kaya pala madalng magacebook at online! busy ka pala..
busy magpapic! heheheh
ni tag kita! hiihihi
@POPOY: Alam ko namang madaldal ako, hindi mo kailangang ipaalala sa akin 'yun, co-bitch! Pwe!
:))
Honga eh, alam mo, naisip ko din 'yan, seryoso. Pota, nawala 'yung wallet, mamya konti ID naman. Tsk!
May link 'yang pic sa isang album sa Multiply ko, tseh! Hahaha. See you soon! Itext mo lang ako ah? Libre mo kong kape! Hahaha.
Kape kape! :P
@GASUL: Weh? Mas mabango ka kay Kirk? Oh eh paano ko naman makoconfirm 'yan? Umuwi ka muna dito at magpaamoy tapos bumalik ka na d'yan! Hahaha.
Teka, kelan ba birthday mo? Ang aga ko yata magsubmit ng picture greeting? Hahaha.
:))
@MUMU: Oy! Mumu! Perstaym mo dito ano? JJs? Jumping Jologs! Hahahaha.
;))
@MIA: Hahaha. Onga, sayang at hindi ako nakapunit ng tela sa damit niya para masinghot kapag hindi ko siya nakikita. Hahaha.
;))
@BONG: Hoy! Huwag mo akong igaya sayo! Tseh! Ikaw kaya ang ultimate panggap-ero. Whaaat?! Hahaha. Ikaw 'tong magaling magpanggap sa opis eh.
Paturo! :D:D:D
@DOC CED: Oo nga, madalang nakong online. Ambaho na ba ni Sushi? Ay teka may Pet Society ka ba sa Facebook? Wala? K. Hahaha.
Ang daldal ko pala talaga. Ang haba ng replies ko sa commentsss. Sahreee guys.
:))
ahahaha. . . musta naman ang kafnudols?
@KOOKOO: Ayun parang bottomless ang supply namin ng kapnudels. Haha. Minsan nga kapag nag-grocery kami ayoko nang madadaan sa section ng mga nudels eh. Hahaha!
Miss na kita! :D
Post a Comment